ANGAS LOVE

magkasama kaming tinahak ang simula ng aming buhay na kami ay magkasama,
magkasama kaming nagtawanan habang nanonood ng balita at soap opera,
magkasama kaming nakinig ng musika,
kahit mas gusto niya Teeth kesa sa E-Heads,
at kahit mas gusto niya Red Hot Chili Peppers kesa sa Blur,
magkasama kaming sinuong ang masamang lagay ng panahon,
(basa na ako dahil siya lang ang may payong [at least, magkasama pa rin]),
magkasama kaming natulog, magkasama rin kaming magigising,
magkasama kami ngayon at sa pagtanda namin,
magkasama pa rin kami habang naggigitara’t kinakanta
ang “Can’t Stop” tsaka “Coffe and TV”
habang pinapanood namin ang paglubog ng araw,
magkasama kaming haharap sa hamon ng panahon
(kahit pa dehado kami pareho basta ‘di lang kami magpapakita ng karuwagan,
effort pa lang, panalo na)
magkasama kaming bubuo ng sarili naming kastilyong buhangin,
magkasama rin kami pag bumuwal ito,
oo, magkasama kami habang panahon..
+ + +
sabi niya “naaalala ko si Graham Coxon ‘pag nakasalamin ka..”
(ngayon, kailangan ko ng proof..
)
~
June 24, 2008 at 10:46 am
panalo.
ang galing mo talaga sa saksakan ng puso kuya.
kakainggit ito. overwhelming ung naguumapaw na pag-ibig.
thanks for writing this, mas lalo mo’kong pinaniniwala na hindi lamang pantasya ang “trulab”,
ikaw. kayo ni maam rage, nangunguna sa statistika.
June 24, 2008 at 11:13 am
grrr. salamat sa pagbibigay ng lakas sa isang maambon na pagdungaw sa bintana ng magpakailanman. naotot ako sa aking pananagalog
June 26, 2008 at 6:34 pm
para kay rain:
maraming salamat sa pagbabasa.. sini-share lang namin kung ano meron kami sa loob ng “malong” namin ni rage..
makakahanap ka rin ng pakner mo..
June 26, 2008 at 6:35 pm
para kay patadyong:
ayus na sana, may pahabol pang “otot”..
salamat sa pagbabasa, tinz.. sana na-enjoy mo..
July 2, 2008 at 1:47 pm
sa aking pinakamamahal na asawa,
nagagalak ako na ika’y dumating sa buhay ko at makakasama sa habang panahon…kailanman ikaw lang ang iibigin kahit sa ikalawang buhay pa natin..muli, nagpapasalamat ako sa poong maykapal na binigyan tayo ng pagkakataong magkasama sa kabila ng ating hilig,pananaw pero tayo’y binakbuklod pa rin ng natatangi nating pag-ibig..salamat….
July 3, 2008 at 8:03 pm
para kay rage:
naks naman.. lam ko na yan.. ‘lika nga? :hug:
September 22, 2008 at 11:11 am
ang sweet nito!
September 24, 2008 at 2:37 am
@The Zen Bitch:
wala yan.. heheh
natural lang na lumabas yang ganyan pak inlab..
October 4, 2008 at 3:49 pm
congrats sa lab istory ninyo, napadalaw lang, nag-hahanap ng makakausap at mapaglilibangan, idadagdag kita sa mga blog links ko pwede?
Mahalia
http://chocolateword.net
October 7, 2008 at 6:18 pm
Batang Kalye ka ba? Magugustuhan mo ‘to
alasais.wordpress.com
Tem-i of Alasais
October 8, 2008 at 12:19 pm
ok ah… minsan pala maisulat ko din ang aking labistori… inspayring ang sinulat mo parekoy…
October 11, 2008 at 5:31 pm
how sweeeeeeeeet! hakhak!
December 29, 2008 at 12:33 pm
nice love story hhehheh…
magkasamang bubuo ng kastilyong buhangin…
XD