Archive for angas love

ANGAS LOVE

Posted in the angas family with tags on June 23, 2008 by Jay Alms

angas love

 magkasama kaming tinahak ang simula ng aming buhay na kami ay magkasama,
magkasama kaming nagtawanan habang nanonood ng balita at soap opera,
magkasama kaming nakinig ng musika,
kahit mas gusto niya Teeth kesa sa E-Heads,
at kahit mas gusto niya Red Hot Chili Peppers kesa sa Blur,
magkasama kaming sinuong ang masamang lagay ng panahon,
(basa na ako dahil siya lang ang may payong [at least, magkasama pa rin]),
magkasama kaming natulog, magkasama rin kaming magigising,
magkasama kami ngayon at sa pagtanda namin,
magkasama pa rin kami habang naggigitara’t kinakanta
ang “Can’t Stop” tsaka “Coffe and TV”
habang pinapanood namin ang paglubog ng araw,
magkasama kaming haharap sa hamon ng panahon
(kahit pa dehado kami pareho basta ‘di lang kami magpapakita ng karuwagan,
effort pa lang, panalo na)

magkasama kaming bubuo ng sarili naming kastilyong buhangin,
magkasama rin kami pag bumuwal ito,

oo, magkasama kami habang panahon..

+ + +

 

sabi niya “naaalala ko si Graham Coxon ‘pag nakasalamin ka..”
(ngayon, kailangan ko ng proof.. :D)

~